Ano ang Amilyar at Bakit May Discount Kapag Maagang Binayaran?

Ang Amilyar o Real Property Tax (RPT) ay taunang buwis na binabayaran ng mga may-ari ng lupa, bahay, gusali, at iba pang real property. Ito ay ginagamit ng LGU para pondohan ang mga serbisyo tulad ng pag-aayos ng kalsada at drainage, kalusugan at edukasyon, at disaster response at public safety.
PAANO KINAKALKULA? Assessed Value × Tax Rate = Amilyar. Halimbawa: ₱1,000,000 × 1% = ₱10,000 kada taon.
BAKIT MAY DISCOUNT SA MAAGANG BAYAD? Nagbibigay ang maraming LGU ng early payment discount upang hikayatin ang mga property owner na magbayad bago ang deadline. Halimbawa: ₱10,000 na amilyar − 10% discount = ₱9,000 na lang. Nakakatulong ito sa LGU dahil mas mabilis silang nakakakuha ng pondo para sa mga proyekto at nababawasan ang late payments.
PAALALA: Alamin ang payment schedule ng inyong LGU at huwag hintayin ang deadline upang maiwasan ang penalties.
Kung may tanong ka tungkol sa property taxes o iba pang bayarin bilang property owner, message mo lang ako.


