CTS vs. DOAS: Bakit Contract to Sell Muna Bago Deed of Absolute Sale?

CTS – CONTRACT TO SELL. Ito ang kasunduan ng buyer at seller na nagsasabing ibebenta ang property kapag natupad ang napagkasunduang conditions, gaya ng required payments.
DOAS – DEED OF ABSOLUTE SALE. Ito naman ang dokumentong ginagamit para pormal na idokumento ang completed sale at transfer of ownership, kapag natupad na ang mga conditions ng sale. Sa madaling salita: "Completed na ang sale at maaari nang isagawa ang formal transfer."
CTS → May agreed payment terms/conditions pa. DOAS → Pormal na dokumentasyon ng completed sale at transfer.
REMEMBER: CTS = Agreement to sell, subject to conditions. DOAS = Completed sale & formal transfer.
Kaya mahalagang malaman ang difference ng CTS at DOAS para maintindihan mo kung anong stage na ng property purchase at ownership process. Kung may katanungan ka tungkol sa documents mo, huwag mag-atubiling mag-message.


