Equity vs. Amortization: Saan ba Talaga Napupunta ang Bayad Mo?

EQUITY — Ito ang portion ng property price na kailangan mong bayaran bilang downpayment/equity bago ma-turn over ang property. Usually around 10%–20% ng total contract price, depende sa project at payment terms.
AMORTIZATION — Pagkatapos ng turnover, dito na pumapasok ang monthly loan payments kung kumuha ka ng housing loan. Ito ang installment payment mo sa bank, Pag-IBIG, o financing institution para mabayaran ang remaining balance ng property over several years.
SIMPLE EXAMPLE: Property Price: ₱2,000,000. 20% Equity: ₱400,000. Remaining Balance: ₱1,600,000 → ito ang maaaring i-finance at bayaran through monthly amortization.
REMEMBER: Equity = bago turnover. Amortization = after turnover.
Kaya bago bumili ng bahay, hindi lang monthly amortization ang dapat tingnan. Alamin din kung magkano ang equity, gaano katagal ang payment period, at magkano ang magiging monthly obligation mo. Kung gusto mo ng malinaw na computation para sa property na gusto mo, message mo lang ako.


