Pre-Selling o Ready for Occupancy? Alin ang Mas Magandang Piliin?

Ang pre-selling property ay binibili habang ginagawa pa lamang ang development. Karaniwan itong mas mura at nagbibigay ng pagkakataon na tumaas ang value bago pa man matapos ang construction.
Samantala, ang Ready-for-Occupancy (RFO) ay tapos na at maaari nang tirhan agad. Mas mataas ang presyo nito ngunit nakikita na agad ng buyer ang actual condition ng property.
Ang pre-selling ay mas bagay sa investors na kayang maghintay at gustong mapakinabangan ang pagtaas ng value, habang ang RFO ay mas angkop para sa mga nangangailangan ng agarang tirahan o gustong kumita agad mula sa rental.
Kung gusto mo ng updated na listahan ng pre-selling at RFO properties sa Bulacan, Pampanga, at Cavite, message mo ako — ipapadala ko sa iyo ang mga options na swak sa budget mo.


