Murang Property Offer? Baka Scam! Mga Dapat Suriin Bago Bumili

Dahil malaking halaga ang involved sa real estate, maraming scams ang nangyayari kung saan niloloko ang buyers sa pamamagitan ng pekeng documents o maling impormasyon.
Bago bumili, dapat suriin ang:
Authenticity ng titulo — siguraduhing tunay at malinis ang titulo ng property. Maaaring mag-verify sa Registry of Deeds.
Legitimacy ng developer o seller — i-check ang track record, license to sell, at DHSUD registration ng developer.
Kumpletong legal documents — dapat kumpleto ang kontrata, resibo, at iba pang dokumento ng transaksyon.
Ownership records ng property — tiyakin na ang nagbebenta ay talagang may-ari o may legal na karapatang magbenta.
Ang maingat na pag-check at pakikipag-ugnayan sa tamang professionals ay makakatulong upang maiwasan ang pagkawala ng pera at legal problems.
Bilang licensed real estate broker, ang trabaho ko ay protektahan ka sa buong proseso. Kung may alinlangan ka sa isang property offer, message mo ako — libreng konsulta.


